Wala to. Wag mong basahin baka matamaan ka.
Madalas kailangang tanggapin na hindi lahat ng kaibigan mo handang tumulong sayo, na hindi lahat ng kaibigan mo kaibigan ang turing sayo, at higit sa lahat, hindi lahat ng kaibigan mo ay totoo… mahirap tanggapin, pero kailangan.
Madalas nating naririnig ang mga linyang "Ganun na pala?.. Hala Sorrrrrrrry!" at "Hayaan mo, babawi ako. Pasensya na talaga." kapag nasaktan tau o napag-iiwanan tayo ng mga kaibigan natin at nagtatanga-tangahan tayong naghihintay sa mga pangako nilang tila hindi naman natutupad. Saka nila masasabi uli ang katagang "Pasensya na ulit./Sorry ulit."
Ganyan talaga tayo kapag mahalaga sa atin ang mga kaibigan natin, naniniwala at naghihintay tau sa mga pangako nilang di natutupad o kung minsan pa ay nakakalimutan dahil na rin siguro ay may nahanap na silang mas espesyal at masaya silang kasama na papalit sau–wala ka nang ibang magagawa kundi ang hayaan silang mawala o kaya ikaw itong gagong makipag-epalan sa kanila kahit na harap-harapan ka nang pinapaalis.
Madaling magkunwaring "Ok lang yun. Funny nga e" o kaya "Haha. Un lang naman e. Okay lang yun" sa mga kaibigan mong nakasakit sau pero deep inside, naaasar ka, nagagalit, naiinis.
Kahit pa nagtatampo ay andyan pa rin sila, manhid, walang pakialam, nagsasaya habang ikaw ay tuluyan ng nilalamon ng lungkot at pagluluksa. Bakit ka nga ba nila babalikan e samantalang masaya na sila, kahit wala ka pa, kahit mamatay ka na.
Pero hindi lahat ng mga kaibigan mo ay ganyan. Hindi lahat ng kaibigan ay madaling makalimot. Madalas nga ay sila pa ang mga taong makikita mong nasa harapan mo, nagpupunas ng mga luhang pumatak sa iyong mga mata at pipilitin kang pangitiin.
Sila ang tinatawag na mga tunay na kaibigan. Mahirap silang hanapin, kaya kapag nakahanap ka na ng gaya nito ay wag mo ng pakakawalan dahil pag minsang nasira na ang tiwala niya sau ay hindi na ito babalik na gaya ng dati.
Sa mga taong nakabasa nito, wag hayaang masira ang hiwaga ng pagkakaibigan sapagkat minsan lang ito bumiyahe at kapag ito’y nawala, wala na talaga–hindi na ito babalik.